Mukhang tahimik ang kampo ni Bea Alonzo kahit ang mga kasamahan niyang mga artista ay aligaga sa paglipat sa iba’t ibang TV Network.
Samantalang mukhang hindi siya kinakabahan sa pagkamatay ng kanilang TV Network, habang ang kanyang mga fans naman ay alalang-alala dahil walang bagong TV Network na kinabibilangan ang actress.
Narito ang pahayag ni Ms. Bea Alonzo sa pagsasara ng Kapamilya Network: “We’re still grieving. But I believe that everything happens for a reason. This experience is teaching us something. Now is the best time to reflect and take care of one another.” Kampante naman ang actress dahil kahit biglaan ang pandemic, napanatili naman niyang safe siya.
Walang balita sa kanya ngayon, pero ayon sa aking source ay may nilulutong movie na pagsasamahan nilang dalawa ni Alden Richards.
Sana matuloy ang nasabing movie project dahil matagal na ring nabakante si Bea gawa ng pandemya. Pero bwelta ng aking kausap, magugulat na lang daw tayo dahil sa pagpasok ng taong 2021 ay muling aarangkada ang career niya sa showbiz.
More Stories
Matapos hiwalayan ng asawa… CHLOE SAN JOSE MAY BUWELTA KAY AI-AI: ‘BACK TO YOU, MAMANG’
WILLIE REVILLAME WALA PANG MAISIP NA PLATAPORMA: SAKA NA ‘PAG NANALO NA KO
Vice Ganda may unkabogable na bagong sasakyan?