May 18, 2024

NORA AUNOR, PASADO SA SCREENING NG CCP AT NCCA PARA SA NATIONAL ARTIST AWARD

PASOK na naman ang pangalang Nora Aunor sa mga pagpipilian para itanghal na National Artist ng Pilipinas. Last year kaya hindi sa kanya naipagkaloob ang nasabing titulo kahit na sabihin pang karapatdapat siya, dahil na politika ito sa pangunguna ng president ng ating bansa. Umalma ang mga Pilipino at ipinagtanggol si Ms. Aunor, pero hindi pa rin nila ito ipinagkaloob.

Ngayong si Duterte na ang bagong presidente, mapasakamay na kaya ni Nora Aunor ang titulong National Artist Award? Noong nakaraang taon kasi kahit ipinagtanggol na siya ng Cultural Center of the Philippines (CCP) at ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA), dinedma pa rin ang actress. Kahit pasado ito sa lahat ng requirements, inilaglag pa rin siya ng dating pangulo.

Hindi na umaasa pa si Nora Aunor sa award na iyan. Kung ibibigay, salamat. Pero kung hindi, ay hindi na siya nag-expect pa. Maging ang buong Pilipinas ay agree na deserving si Nora Aunor sa award. Pero kung mapupulitika na naman uli ito, hindi na maganda ang kalalabasan. Ang hiling lang ng mga fans ng actress, sana raw huwag magaya si Pangulong Duterte sa dating presidente na walang alam sa sining.