May habang mahigit 540 kilometro sa buong Luzon ang Sierra Madre, na nagsisilbing natural shield laban sa mga bagyo habang pinoprotektahan ang mga watershed, wildlife, at local communities.
Subalit, patuloy na threatened ang kagubatan at ang proteksyong binibigay nito dahil sa illegal logging, mining, quarrying, at land clearing.
Dahil sa pag-aalala sa patuloy na pagkasira nito, mas pinili ng aktor na si Pepe Herrera na kumilos sa halip na maghintay lang.
Nakiisa siya sa isang tree-planting at nurturing activity sa Antipolo kasama ang mga miyembro ng Dumagat-Remontado Indigenous community at mga environmental partners.
Hinihimok niya ang mga Pilipino na mag-organize ng mga katulad na initiatives. Paalala niya sa lahat, ang pagprotekta sa Sierra Madre ay nangangailangan ng collective action, consistent care, at long-term commitment para sa forest restoration at conservation.
