Matapos ang 48 taon na pagbibigay ng serbisyo at masasarap na pagkain, opisyal nang nag-sara ang sikat na Emin and Mila’s Canteen dahil sa matagal nang financial difficulties.
Ang pagsasara ng pampamilyang carinderia na ito ay patunay lamang sa matinding hamon na kinakaharap ngayon ng mga maliliit na negosyo sa bansa dulot ng mahinang domestic consumption at patuloy na pagtaas ng bilihin at gastusin.
Subalit kahit sarado na ang negosyo, hindi pa rin natatapos ang kanilang financial burden.
Kinakaharap pa rin ng pamilya ang mga hindi nababayarang utility bills, obligasyon sa mga empleyado, pati na rin ang mga buwis at regulatory costs na lalong nagpapabigat sa kanilang sitwasyon.
Dahil dito, nanawagan ang pamilya sa pamahalaan para sa mas malakas na suporta, tulong, at relief programs para sa mga maliliit na negosyong patuloy na lumalaban at nahihirapan sa kasalukuyang lagay ng ekonomiya.
