Photo: DMW
Nakatanggap ng financial assistance ang 50 distressed Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Jeddah, Saudi Arabia kasabay ng pagbisita ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac sa bagong renbahang Bahay Kalinga noong Huwebes.
Ayon sa pahayag ng DMW ngayong Biyernes, nakatanggap ang bawat benepisyaryo — na binubuo ng 42 domestic workers at walong male skilled workers — ng 750 Saudi riyals (humigit-kumulang PHP12,700) mula sa AKSYON Fund ng ahensya.
Ang pagbisitang ito ay ang ikatlong leg ng solidarity and services mission ni Cacdac sa Saudi Arabia kasunod ng patuloy na tensyon sa rehiyon at ang pagpapasara sa King Khalid International Airport.
Paliwanag ng DMW, ang misyon ay alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na personal na reaches out-an ang mga migrant workers nasaan man sila upang tiyaking mabilis at nakatutok ang serbisyo ng gobyerno sa kanilang tunay na pangangailangan.
Ang na-renovate na Bahay Kalinga, na pinapatakbo ng Migrant Workers Office (MWO) sa Jeddah, ay nagsisilbing temporary shelter para sa mga distressed OFWs habang inaayos pa ang kanilang mga kaso at tulong na kinakailangan.
Samantala, pinasalamatan din ni Cacdac ang Philippine labor team sa Saudi Arabia at binigyang-diin ang kahalagahan ng maayos na koordinasyon sa pagitan ng DMW, Philippine Embassy, Philippine Consulate General, at mga MWO para sa mabilis na pag-alalay sa mga OFWs.
Ang mga programang ito, kabilang ang AKSYON Fund at Bahay Kalinga, ay bahagi ng Unified Package of Livelihoods, Industry, Food, and Transport (UPLIFT) Assistance Program ng gobyerno para protektahan ang kapakanan ng mga Pilipino sa ibang bansa.
