Nakatapos ang 28 engineering students mula sa iba’t ibang pamantasan sa bansa sa ginanap na on-the-job training program ng Meralco Power Academy (MPA), na naglalayong magsanay at maghubog ng mga susunod na pinuno sa sektor ng enerhiya.
Sa isang pagtatapos na ginanap sa Pasig City, kinilala ng MPA—ang energy education unit ng Manila Electric Company (Meralco)—ang sipag at dedikasyon ng mga “PowerCamp” interns na sumailalim sa pagsasanay mula Hunyo hanggang Hulyo.
Ang PowerCamp ay isang 280-hour internship program ng MPA para sa mga natatanging engineering students. Tampok dito ang hands-on training at project-based activities upang linangin ang kanilang leadership capabilities at technical knowledge.
“Ipinakilala sa akin ng PowerCamp kung ano ang tunay na kapaligiran sa trabaho, kasama ang responsibilidad ng Meralco na maglingkod sa mamamayan. Inaasahan ko ang mas maliwanag na hinaharap bilang isang inhenyero,” ayon kay Frances Margaret Maria T. Recto, isa sa mga intern mula sa University of the Philippines (UP).
Bukod sa UP, nagmula rin ang mga kalahok sa University of Santo Tomas, Ateneo de Manila University, Mapua University, Nueva Ecija University of Science and Technology, Polytechnic University of the Philippines, Technological Institute of the Philippines, Technological University of the Philippines, Cebu Institute of Technology, University of San Carlos, Mindanao State University-General Santos, at Mindanao State University-Iligan Institute of Technology.
“Bilang mga hinaharap na inhenyero at lider ng industriya, mahalaga ang papel ng mga PowerCampers sa pagtugon sa lumalaking pangangailangan ng bansa sa enerhiya,” pahayag ni MPA Trustee at Meralco PowerGen (MGEN) President at CEO Emmanuel V. Rubio.
Kasabay ng pagtatapos, nagdaos din ang MPA ng homecoming event para sa 35 alumni ng PowerCamp. Pituhan sa mga ito ang kasalukuyan nang nagtatrabaho sa One Meralco Group, habang 14 naman ang naghahanda para sa kanilang engineering licensure examinations.
Binigyang-diin naman ni Meralco Executive Vice President at Chief Operating Officer Ronnie L. Aperocho na mahalagang plataporma ang programa upang makadiskubre at makapaghubog ng mahuhusay na bakas ng talento para sa buong industriya ng enerhiya sa Pilipinas.
