Photo: Johnielle Keith Pasion Nieto/Facebook
Kasunod ng layuning makahubog ng mga bagong kampeon sa palakasan, pormal nang inihayag ni Mayor Kit Nieto na kinuha niya ang kauna-unahang Olympic Gold Medalist ng Pilipinas na si Hidilyn Diaz upang maging tagapagsanay ng mga batang atleta sa larangan ng weightlifting sa bayan ng Cainta.
Sa isang pahayag sa social media, ibinahagi ng alkalde ang naganap na pagbisita ng kampeon sa kaniyang opisina kung saan personal nitong inabutan si Diaz ng opisyal na Cainta cap bilang simbolo ng kaniyang pagiging bahagi na ng komunidad at ng lokal na sports development program.
BASAHIN: Baha sa Cainta, mas mabilis na humupa dahil sa 5 bagong pumping stations – Mayor Kit Nieto
Puno ng sigla at pagmamalaki na inihayag ng alkalde sa mga Cainteño na “Atin na siya… Larga tayo!” upang ihudyat ang simula ng mas pinalakas na pagsasanay ng mga kabataan sa tulong ng karanasan, disiplina, at tagumpay na dinala ni Diaz sa bansa.
