Masaya ang aktor na si Marco Gumabao para sa kanyang dating kasintahan na si Cristine Reyes, na kamakailan lang ay inanunsiyo ang engagement nito sa corporate executive na si Gio Tingson.
Matatandaang huling bahagi ng Mayo nang i-hard launch ni Reyes ang kanyang engagement kay Tingson sa pamamagitan ng isang photo carousel sa Instagram habang nagbabakasyon sa Hong Kong, kung saan agaw-pansin ang suot nitong diamond ring.
“Every timeline led here. Endgame unlocked,” ang naging caption ng aktres.
Sa isang panayam, hindi nag-atubili si Gumabao na ibahagi ang kanyang saloobin ukol sa magandang balita.
“I’m super happy. I’ve known Cristine ever since Tubig at Langis days. Kumbaga, may pinagsamahan kami even before the relationship,” pahayag ni Gumabao, na tumutukoy sa kanilang teleserye noong 2016. “We started off as friends. We ended the relationship as friends.”
BASAHIN: MATAPOS ANG 3 MISCARRIAGES, ALEX GONZAGA BUNTIS NA
Bukod sa pagbati kay Cristine, tiwala rin ang aktor na aalagaan itong mabuti ng kanyang fiancé. Lumabas na matagal nang kilala ni Gumabao si Tingson dahil naging kaibigan ito ng kanyang kapatid noong high school.
“He’s a great guy, so I’m sure Cristine is in good hands. And I’m happy for them,” dagdag ng aktor. “Cristine deserves to be loved. Sadly, our relationship didn’t work. Ganu’n talaga. We move on, but we don’t hold grudges. We pray for the other person as much as possible. And no bitterness. ‘Yun lang naman ang buhay.”
Nang kamustahin naman ang kanyang buhay-pag-ibig, tumatawang sinabi ng aktor na siya ay kasalukuyang single at masaya sa kanyang estado.
“Wala. Single, and happily single,” aniya. “Focusing on myself, focusing on my health and everything else.” Dagdag pa ng aktor, ini-enjoy niya ngayon ang hawak niya ang sarili niyang oras kaya minabuti muna niyang magpahinga sa dating scene.
Nagsimula ang opisyal na relasyon nina Gumabao at Reyes noong Abril 2023, ngunit napabalitang naghiwalay noong Abril 2025 matapos mapansing hindi na nila in-unfollow ang isa’t isa sa Instagram.
Bago ang relasyon kay Gumabao, unang ikinasal si Reyes sa martial artist na si Ali Khatibi noong 2016 ngunit na-annul din noong 2019. Mayroon silang isang anak na kasalukuyan nilang co-parenting.
Samantala, nagsimulang makita ng publiko si Reyes at ang kanyang fiancé na si Tingson sa mga event noong 2025. Unang nagtagpo ang dalawa noong Grade 6 pa lamang ang aktres at Grade 7 naman si Tingson sa isang marriage booth sa grade school fair ng Ateneo de Manila University
