OPISYAL nang nanumpa sa tungkulin ang abogado at “Unang Hirit” segment host Maria Gabriela Concepcion bilang bagong hirang na Executive Director V ng National Authority for Child Care (NACC).
Pinangunahan ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang oath-taking na ginanap sa DSWD Central Office sa Quezon City noong Miyerkules, Hunyo 3.
BASAHIN: DSWD Sec Rex Gatchalian: Higit P1.2-B ayuda posibleng naibigay sa MC Taxi Ghost Riders
Bilang head ng Council, pamumunuan ni Executive Director Concepcion ang pagpapatupad ng mga patakaran at programa na nakatuon sa pagprotekta, pagtataguyod ng karapatan, kapakanan at overall development ng mga batang Pinoy.
Katuwang ang NACC sa mga proseso ng legal na pag-ampon at alternatibong pag-aariga sa mga bata upang matiyak na bawat ay may ligtas at mapagmahal na pamilya.
