Pansamantalang sinuspinde ni Senate President Alan Peter Cayetano ang regular na sesyon ng Senado ngayong Lunes, Mayo 18, upang bigyang-daan ang paghahanda ng mga mambabatas sa pormal na pag-upo ng mataas na kapulungan bilang isang Impeachment Court.
Kasunod ng suspensyon ng sesyon, agad na nagtungo ang mga senador sa kani-kanilang mga opisina upang magpalit at isuot ang kanilang mga opisyal na judicial robe na gagamitin sa buong duration ng paglilitis.
BASAHIN: Kamag-anak ng mga opisyal ng gobyerno, bawal nang kumuha ng kontrata sa pamahalaan
Gaganap si Senate President Cayetano bilang Presiding Officer ng makasaysayang paglilitis, habang ang mga senador naman ang tatayo at aasal bilang mga Senator-Judges na magpapasya sa kapalaran ng pangalawang pangulo.
Ang hakbang na ito ay matapos pormal na i-transmit ng Kamara (House of Representatives) noong nakaraang Miyerkules, Mayo 13, ang Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte upang tuluyan nang masimulan ang paglilitis sa Senado. (Isa Saldana)
