NAGPAABOT ng pagbati si Mayor John Rey Tiangco sa Navotas Polytechnic College (NPC) sa pagkakatanggap nito ng institutional recognition mula sa Commission on Higher Education (CHED) na isa aniyang mahalagang patunay ng patuloy na pagsisikap ng Pamahalaang Lungsod na maibigay ang dekalidad na edukasyon para sa mga kabataang Navoteño.
Dagdag ni Tiangco, ang tagumpay na ito ay tagumpay din ng buong Lungsod ng Navotas kaya patuloy ang kanyang suporta sa mga programang magpapalakas sa edukasyon at magbubukas ng mas maraming oportunidad para sa mga mag-aaral ng Navotas. (JUVY LUCERO)
