MATAPOS pabasbasan ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pangunguna ni Mayor John Rey Tiangco, binuksan na sa publiko ang bagong gusali ng Wawa Elementary School.
Ayon kay Mayor Tiangco, mula sa dating two-storey building, mayroon na ngayong four-storey building ang paaralan na may tig-limang classrooms bawat palapag.
Dagdag pa ng alkalde, mas pasado na ito sa safety standards kaya mas ligtas ang paaralan para sa mga estudyante, mga guro, at mga school personnel.
Nagpasalamat naman si Mayor Tiangco kay Congressman Toby Tiangco sa pagtulong nito para mapondohan ang nasabing proyekto.
“Salamat sa tulong ni Cong. Toby Tiangco kaya napondohan ang proyektong ito. Alagaan natin ang paaralan at ituring na parang tahanan para mas maraming makinabang dito,” pahayag niya.
Panawagan pa ng pamahalaang lungsod na alagaan ang bagong gusali at ituring itong parang sariling tahanan para mas marami pang kabataang Navoteños ang makinabang nito. (JUVY LUCERO)
