“Ang pagbaba ng contestability threshold ay isang malaking hakbang upang bigyan ang mga negosyo ng higit na kontrol at flexibility sa kanilang energy strategies. Masaya ako na ang Burgundy ang nangunguna at nagpapakita ng magandang halimbawa sa epektibong energy management,” ani Domingo. Inaasahang susunod din ang iba pang mga gusali at establisyimento sa pag-explore ng mas matalinong solusyon sa kuryente habang lumalawak ang kompetisyon sa merkado ng enerhiya sa bansa. (MINA PADERNA)
Gumawa ng kasaysayan ang Burgundy Corporate Tower matapos itong maging kauna-unahang customer na sumali sa Competitive Retail Electricity Market (CREM) sa ilalim ng bagong kautusan na nagpapababa sa eligibility threshold para sa mga komersyal na establisyimento.
Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa MPower, ang retail electricity supplier (RES) ng Meralco na pinamumunuan ni Manuel V. Pangilinan, pormal nang lumagda ng power supply agreement ang Burgundy Realty Corporation at ang Office Owners Association nito.
Ang hakbang na ito ay bunsod ng desisyon ng Energy Regulatory Commission (ERC) na ibaba ang threshold para sa mga kuwalipikadong customer mula 500 kilowatts (kW) patungong 100 kW na lamang. Magsisimula ang transisyon sa darating na Hunyo ngayong taon.
Dahil dito, mas maraming maliliit at katamtamang negosyo na ngayon ang may kalayaang pumili ng kanilang sariling supplier ng kuryente upang makakuha ng mas kompetitibong presyo at serbisyo.
Ayon kay Bernard T. Ortiz-Luis, Property Manager ng Burgundy Corporate Tower, isang estratehikong desisyon ang pagsali sa CREM upang makatipid sa gastusin sa kuryente nang hindi nangangailangan ng karagdagang pondo.
“Sa pagsali sa CREM, maaari kaming makahanap ng mga opsyon para sa cost savings. Ang pakikipag-partner sa MPower ay maghahatid ng makabuluhang matitipid para sa gusali,” anang Ortiz-Luis.
Ang Burgundy Corporate Tower ay isang 38-palapag na office condominium na matatagpuan sa puso ng Makati City.
Pinuri naman ni Redel M. Domingo, Meralco Senior Vice President at Head ng MPower, ang pamumuno ng Burgundy bilang isang “pioneer” sa ilalim ng bagong regulasyon. (MINA PADERNA)
