IPINAKILALA ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang mga opisyal na kandidato para sa Mutya ng Navotas 2026 noong Lunes, Disyembre 1, 2025. Ang mga kandidato ay kumakatawan sa 18 barangay ng lungsod, na nagpapakita ng kagandahan, talento, at karakter ng mga Navoteña.
Sinabi ni Mayor John Rey Tiangco, ang Talent Night ng kompetisyon ay nakatakdang gaganapin sa Enero 7, 2026, sa Navotas City Hall Grounds. Ang Coronation Night ay susundan sa Enero 15, 2026, sa Navotas Convention Center. (JUVY LUCERO)
