
NAKATANGGAP ng electric buses mula sa DSWD-NCR sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program ang dalawang Navoteño Persons with Disabilities (PWD) cooperatives, ang 2025 E-SAKAY Navotas PWD ETS SLP Association at 2025 E-GABAY Navotas PWD ETS SLP Association. Ayon kay Mayor John Rey Tiangco, layunin nito na makapagbigay ng pangmatagalang kabuhayan at accessible na transportasyon para sa mga PWD. (JUVY LUCERO)
