PERSONAL na binisita ni Japanese Ambassador Endo Kazuya ang First Philippine Industrial Park (FPIP) sa Batangas nitong Oktubre 22, 2025, upang saksihan ang inagurasyon ng bagong production building ng Murata Manufacturing, isa sa mga pangunahing Japanese firms na nag-ooperate sa bansa.
Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Ambassador Endo ang mahalagang papel ng mga Japanese firms tulad ng Murata sa pagpapatatag ng ekonomiya ng Pilipinas.
Aniya, ang mga kumpanyang ito ay nagbibigay ng trabaho, nagdadala ng makabagong teknolohiya, at tumutulong sa pag-unlad ng mga lokal na komunidad at industriya.
Ipinahayag din ng embahador ang kanyang taos-pusong pagbati sa Murata, na aniya ay patunay ng matatag na ugnayan at kooperasyon ng Japan at Pilipinas tungo sa pagtataguyod ng mas maunlad, matatag, at inklusibong ekonomiya.
Dagdag pa ni Ambassador Endo, sinusuportahan ng Japan ang mga inisyatibong nagpapalakas sa kakayahan ng Pilipinas bilang isang mahalagang player sa pandaigdigang electronics supply chain, kasabay ng pagsulong ng bansa sa industrial growth at technological advancement.
