PERSONAL na binati ni Mayor John Rey Tiangco ang 24 Persons Deprived of Liberty (PDL) sa Navotas City Jail matapos magtapos sa kanilang pag-aaral sa ilalim ng Alternative Learning System (ALS), 15 sa elementarya at 9 naman sa junior high school. Ipinaalala ni Mayor Tiangco na ang kanilang mga natutunan ay gamitin nilang gabay tungo sa mas mabuting kinabukasan at sa kanilang paghahanda sa muling paglaya. (JUVY LUCERO)
