IDINEKLARA ng Malacañang ang suspensyon ng klase sa lahat ng antas at trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno sa Metro Manila at 29 probinsya ngayong Lunes, Setyembre 22, 2025, dahil sa banta ng Super Typhoon Nando (Ragasa) at pinalakas na habagat.
Kabilang sa mga probinsyang apektado ang:
Batanes, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga, Mountain Province, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, Zambales, Batangas, Cavite, Laguna, Rizal, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Palawan, Romblon, at Antique.
Suspendido ang klase sa lahat ng antas (public at private) sa Caloocan, Las Piñas, Malabon, Maynila, Marikina, Muntinlupa, Navotas, Parañaque, at Pateros.
Ilang LGU announcements
• Cagayan Valley – ilang bayan sa Cagayan (Allacapan, Baggao, Rizal, Solana, Tuguegarao City, atbp.) at Isabela (Benito Soliven, Mallig, Roxas, San Isidro).
• Calabarzon – suspendido ang klase sa Batangas, Cavite, Laguna, at malaking bahagi ng Rizal. Sa Quezon, kanselado sa General Nakar at buong Polillo group of islands.
• Central Luzon – suspendido sa Aurora, Nueva Ecija, ilang bayan ng Bulacan, Pampanga, Tarlac, at Zambales.
• Cordillera – Abra, Apayao, Benguet, Baguio City, Ifugao, Kalinga at Mountain Province.
• Ilocos Region – Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan at Dagupan City.
• Mimaropa – Occidental Mindoro (Mamburao, Paluan, Rizal, San Jose) at Oriental Mindoro (Bulalacao).
Pinapayuhan ang publiko na manatiling nakaantabay sa mga anunsyo ng LGU, DepEd, at CHED, gayundin ng PAGASA para sa pinakabagong update hinggil sa lagay ng panahon at karagdagang suspensyon ng klase at trabaho.
