
MULING binuhay at itinayo ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang rebulto ng Datu ng Nayon ng Butas na si Omaghicon, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Pambansang Buwan ng Kasaysayan. Pinangunahan ni Mayor John Rey Tiangco ang unveiling ng Omaghicon statue sa Navotas Citywalk and Amphitheater sa C4 na kanyang permanenteng tahanan na sinabayan ng pagtatanghal ng buhay at kamatayan ni Omaghicon mula sa Tanghalang Suhay Dance Company ng Tanza National High School. (JUVY LUCERO)
