Habang papalapit ang pagtatapos ng kanyang six-month temporary residency sa Netherlands, pinag-iisipan ni dating presidential spokesperson Harry Roque na sumuko sa mga awtoridad sa Pilipinas at magsampa ng petition para sa bail sa isang kaso na itinuturing na “heinous.”
Nasa Netherlands si Roque mula pa noong Marso, kasunod ng pag-aresto at paglilipad kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa The Hague. Nahaharap siya sa serye ng mga kaso, kabilang ang qualified human trafficking naisang non-bailable offense sa ilalim ng Revised Penal Code.
Sa isang panayam, nilinaw ni Roque na ang kanyang magiging pagsuko ay nakadepende sa resulta ng kanyang political asylum application sa Netherlands. Gayunpaman, may pag-asa siya na matutulungan siya ng bansa laban sa umano’y “political persecution” ng administrasyong Marcos.
“Siyempre, patuloy akong gumagamit ng judicial reliefs. Nonbailable ang kaso laban sa akin, pero puwede kong gawin ‘yan nang hindi pisikal na bumabalik sa Pilipinas,” biro pa ni Roque.
Habang patuloy ang laban niya sa hukuman, malinaw na nakatuon si Roque sa legal na proseso at handa na ring harapin ang kinakaharap na kaso, depende sa magiging resulta ng asylum request niya sa Netherlands.
