
Mariing kinondena ng Meralco ang pamamaril na naganap sa Salitran, Dasmariñas, Cavite na ikinasawi ng isa nilang beteranong empleyado na 21 taon nang nagseserbisyo sa kompanya.
Sa inilabas na pahayag, nagpahayag ng pakikiramay ang Meralco sa pamilya ng biktima at tiniyak na nagbibigay na sila ng tulong at suporta sa mga naulila nito.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng PNP at SOCO, road rage ang posibleng ugat ng insidente.
Kasalukuyan namang tinutugis ng pulisya ang suspek na nakilala na umano ng mga awtoridad.
Tiniyak ng Meralco na nakikiisa sila sa mga imbestigador upang agad na mahuli at mapanagot ang salarin, kasabay ng panawagan sa publiko ng kooperasyon upang makamit ang hustisya para sa kanilang nasawing kawani.
