“Bayanihan sa Estero” kicks off! MMDA Chairman Don Artes at Mayor Francis Zamora, sama-samang nagbabantay sa cleanup sa Lambingan Bridge, San Juan River. (Kuha ni ART TORRES)
PINANGUNAHAN ni Mayor Francis Zamora ng San Juan at ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Miyerkules, Agosto 20, ang paglulunsad ng “Bayanihan sa Estero Program” sa Lambingan Bridge, Aurora Boulevard, San Juan City.
Layunin ng programa na bawasan o palitiin ang panganib o epekto ng pagbaha at isulong ang pangangalaga sa kalikasan.
Ayon sa pamahalaang lungsod, bahagi ang programa sa kanilang kahilingan para sa malawakang paglilinis at clearing ng mga waterways, kasabay ng tuloy-tuloy na hakbang ng MMDA para palakasin ang flood control measures sa Metro Manila.
Kasama sa operasyon ang simultaneous cleanup at dredging, kung saan ginamit ang MMDA dredging equipment, garbage trucks, at manpower. Makikibahagi rin ang iba’t ibang civil society organizations at volunteers mula sa pribadong sektor sa pagtanggal ng debris at obstruction sa mga pangunahing waterways ng lungsod.
Bukod sa pagbawas ng panganib ng pagbaha, sinabi ng lokal na pamahalaan na layunin din ng programa na ibalik ang natural na daloy ng mga ilog at estero sa San Juan. Mayor Zamora ay nanawagan sa publiko na makiisa sa programa upang mapanatiling malinis at ligtas ang mga waterways ng lungsod. (ARNOLD PAJARON JR)
