
Pinuri ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro ang katapatan at integridad ni dating Bise Presidente at Naga City Mayor Leni Robredo sa paglilingkod-bayan.
Sa panayam ng The Long Take sa One News PH nitong Sabado, Agosto 16, sinabi ni Castro na nananatiling kapuri-puri ang pamumuno ni Robredo.
Nang tanungin kung naging tagasuporta ba siya noon ni Robredo, tugon ni Castro: “In a way, yes… Up to now I think maganda naman din ‘yung ginagawa niya. Wala naman tayong nakikitaan na korapsyon sa kanya, so magaling naman siya.”
