
Ready na ang 135 Navy reservists mula Northern Luzon sa isang matinding training para labanan ang mga bagong panganib sa karagatan at lupa.
Binuksan kamakailan sa Vigan Convention Center ng Northern Luzon Naval Command ang malakihang reservists’ exercise kung saan sasabak ang mga sundalo sa iba’t ibang laban at drills — mula sa naval tactics, sea maneuvers, maritime patrols, hanggang sa marksmanship at water search and rescue.
Pinangunahan ito ng mga eksperto para matiyak na bihasa at alerto ang mga reservists sa kahit anong panganib na dumating sa ating mga baybayin.
Kasama rin sa programa ang tactical combat care at incident command system para handang-handa sila sa real battle scenarios!
Nandun din si Ilocos Sur Vice Governor Ryan Luis Singson, na Navy reservist at commander ng 112th Naval Squadron Reserve, para suportahan ang mga kasama niya sa serbisyo.
Malinaw na handa ang PH Navy na ipagtanggol ang ating karagatan, kaya bantayan ang susunod na hakbang ng mga Bayani ng Dagat.
