Bad news sa Spurs fans! Si Jeremy Sochan, forward ng Spurs, ay na-injured ang calf habang nagte-training para sa Poland national team kaya hindi na siya makakasali sa EuroBasket 2025 na magsisimula sa August 27.
Sa pahayag ng Polish Basketball Federation, kinumpirma ni Sochan na kailangan niyang magpahinga at di makakasama sa tournament. Pero may pag-asa pa rin na gagaling siya para sa Spurs training camp.
Sabi ni Spurs GM Brian Wright, “Bagamat binigyan siya ng top-notch treatment sa Poland, mas mainam na bumalik na siya sa San Antonio para magpagaling.”
Si Sochan, 22 taong gulang, ay isa sa mga rising stars ng Spurs — may average na 11.4 puntos, 6.1 rebounds, at 2.8 assists sa kanyang tatlong seasons sa NBA. (RON TOLENTINO)
