Umalis na ng bansa si Acting Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte — ilang araw bago ang inaabangang suntukan nila ni PNP Chief Gen. Nicolas Torre III sa Rizal Memorial Coliseum ngayong Linggo, Hulyo 27.
Ayon sa National Bureau of Investigation (NBI), kinumpirma ng International Airport Investigation Division (NBI-IAID) na sakay ng Scoot Airlines si Baste nang lumipad pa-Singapore alas-7:10 ng umaga, Hulyo 25. Kasama raw nito ang ilang kamag-anak at staff.
Ang tanong ng bayan: naduwag ba si Baste o may mas malalim na dahilan ang kanyang biglaang paglisan?
Matatandaang siya mismo ang naghamon kay Torre sa isang boxing match noong Hulyo 20—galit na galit sa umano’y pagkakasangkot ni Torre sa pagkakaaresto ng kanyang ama, dating Pangulong Rodrigo Duterte, na kasalukuyang nakakulong sa The Hague kaugnay ng mga kasong crimes against humanity dahil sa madugong giyera kontra droga.
Pero hindi umurong si Torre—tinanggap ang hamon at sinabing charity event ito para sa mga nasalanta ng bagyo.
Ngayon, biglang naglaho ang kalaban. “Naghamon, tapos aalis?” tanong ng publiko.
Hindi pa malinaw kung kailan babalik si Baste o kung tuluyan na niyang tinabla ang laban. Pero isa lang ang sigurado—si Torre ready nang sumuntok, habang si Baste, ready nang sumakay ng eroplano.
