Hindi pa tapos ang peligro!
Ayon sa huling ulat ng PAGASA nitong Martes ng hapon, posibleng lumakas pa si Tropical Depression Dante sa loob ng 24 oras at maging tropical storm pagsapit ng Miyerkules.
“Maaaring maging tropical storm si Dante bukas. Hindi rin inaalis ang posibilidad na maging severe tropical storm,” babala ng PAGASA.
Dahil sa habagat na pinapalakas ni Dante, asahan na ang flash floods at landslide sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Magkakaroon ng malalakas na hangin hanggang sa gale-force gusts sa mga sumusunod na lugar:
Martes:
- Zambales
- Bataan
- Metro Manila
- CALABARZON
- MIMAROPA
- Visayas
- Dinagat Islands
Huwebes:
- Ilocos Region
- Zambales
- Bataan
- Bulacan
- Metro Manila
- CALABARZON
- MIMAROPA
- Visayas
- Zamboanga del Norte
- Misamis Occidental
- Lanao del Norte
- Camiguin
- Dinagat Islands
Biyernes:
- Ilocos Region
- Abra
- Benguet
- Central Luzon
- Metro Manila
- CALABARZON
- MIMAROPA
- Visayas
- Zamboanga del Norte
- Misamis Occidental
- Lanao del Norte
- Camiguin
- Dinagat Islands
Ayon sa forecast, si Dante ay kikilos pa-norte o hilagang-kanluran papuntang Ryukyu Islands at East China Sea. Posible itong lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa pagitan ng Huwebes o Biyernes.
“Maging alerto! Maghanda laban sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa lalo na sa mga apektadong lugar.”
