
CALOOCAN CITY — Pormal nang nanumpa sa tungkulin si Konsehal Alex V. Mangasar kasama ang iba pang bagong halal na opisyal ng Lungsod ng Caloocan sa isang makabuluhang seremonya sa pangunguna ni Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan.
Buong puso ang pasasalamat ni Konsehal Mangasar sa mga taga-Caloocan na muling nagtiwala sa kanyang kakayahan at malasakit sa serbisyo publiko.
“Maraming salamat po sa inyong suporta. Makakaasa po kayo sa tuloy-tuloy na Serbisyong Totoo, hindi pakitang-tao. Gabayan nawa tayo ng Diyos,” pahayag ng konsehal matapos ang kanyang panunumpa.
Ang seremonya ay dinaluhan ng mga opisyal, pamilya ng mga nahalal, at mga taga-suporta, bilang tanda ng pagsisimula ng panibagong yugto ng pamumuno sa lungsod.
Kasama si Konsehal Mangasar sa mga lider na nangakong ipagpapatuloy ang mga programa para sa kaunlaran, kaayusan, at tunay na serbisyo para sa bawat Batang Kankaloo.
