
Kasabay ng mainit na sikuhan sa nalalapit na BARRM election, nag-iinit din ang Malakanyang sa pag-imbestiga sa pondo nito. Ilang beses na naudlot, tiniyak at pinaghandaan na daw ng Commission on Elections (COMELEC) ang kauna-unahang botohan na magaganap sa Oktubre 13 ng taong kasalukuyan.
Kung malinaw man mga Cabalen ang petsa ng Bangsamoro Parliament election, magkaroon naman kaya ng linaw at mapaliwanag kaya ng Ministry of Basic, Higher, and Technical Education (MBHTE) ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) kung paano nito winaldas ang pinalabas na P1.7 bilyong halaga mula sa pondo ng BARMM?
Ayon sa salaysay ng mga testigo mula sa MBHE ang P1.7 B ay inilabas mula sa kaban ng BARMM para sa pagbili ng Learner’s Kits at Teacher’s Kits noong Marso 7,2025. Totoo nga bang pinambili ito ng pangangailangan MBHE, na taliwas sa ipinapahayag ng mga insiders na nakasaksi di -umano sa pagpapalabas ng nasabing halaga?
Upang proteksyonan ang seguridad ng mga testigo, ayaw magpabanggit ng pagkakakilanlan ang mga nakakaalam ng maanomalyang transaksyon, subalit handa ang mga ito na ibahagi ang mga dokumentong magpapatunay sa kanilang mga pahayag.
Base pa din sa salaysay ng mga testigo, may ilan pa ring programa ang ginamit di-umano ang ministry para makapaglabas ng pondo mula sa BARMM at isa lamang ang P1.7 B.
Gaya ng karamihan ng transaksiyon sa pamahalaan, hindi nasusunod ang standard procedures kundi ang nakasanayan at nakagawiang “bidding-bidingan o pagsasawalang bahala sa mga dokumentong dapat na tapusin at isumite bago pa man maipalabas ang pondo.
Dapat sigurong bigyan ng importansiya at pasimulan na ng Makanyang ang imbestigasyon sa pondong P1.7B inilabas ng MBHE sa kabila ng hindi pagdaan ng transaksiyon sa prosesong itinakda ng batas. Kabilang dito ang Finance Division Chief para pag-aralan ang dokumento ukol dito, pati na din ang paglalagda ng mga hepeng dadaanan nito bago tuluyang ipagkaloob ang pondo sa sa isang proyekto.
Alam ba ninyo mga Cabalen na ang MBHE ay pinaglaanan ng P36 bilyong pondo na halos one- third ng kabuuang pondo ng rehiyon, na pinamumunuan ni Minister Mohagher Mahammad Iqbal.
Si Iqbal ay tubong Maguindanao na sumapi sa Moro National Liberation Front (MNLF) matapos itong makatapos ng kolehiyo noong 1972, na noon pa man sinasabi nito na hindi siya nagrebelde laban sa pamahalaan para sa kanyang ikabubuhay sapagkat may matatatag na ikinabubuhay naman daw ang kanyang pamilyang pinagmulan.
Kung totoo ang pahayag ni Iqbal, bakit kaya nahaharap sa iba’t ibang usapin ng korupsiyon ang MBHE na kanyang pinamumunuan? Ang alegasyon na paglalabas ng pondo ng Teacher’s kits at Learner’s kit, subalit ibinebenta din sa mga guro?
Napag-alaman din na isang Apsi Abas o “Boss A” ang nakikialam sa palakad ng MBHE? Ipinahinto daw ‘di umano ni Boss A ang training program ng mga guro noong 2022 dahil hindi nito nagustuhan ang mga hotels na pagdadausan ng programa. Dahil dito, nakaambang magdemanda ang mga may ari ng hotels na unang napili at nabigyan na ng kontrata para sa programa.
Ayon sa source, ang imbestigasyon ukol dito ay kinakamada na ng malakanyang upang ilantad ang totoong detalye ng akusasyon laban sa pamunuan ng MBHE.
More Stories
SMB, Ginebra, at ROS Nag-aagawan ng Pwesto; Converge Nakapila na Lang
₱110-M Halaga ng Delikadong Baterya, Sinira ng DTI
Green Energy Auction-4: Bid Registration Sisimulan sa Hunyo 16