Bumangga ang barkong Ocean Abundance sa port ng Pier 2, Manila North Harbor kaninang umaga. Wala namang naiulat na nasaktan sa naturang insidente at patuloy na iniimbestigahan ang dahilan ng aksidente. (kuha ni NORMAN ARAGA)
SUMALPOK ang isang cargo vessel sa Pier 2 ng Manila North Harbor Port, Inc. kaninang umaga.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), ang naturang barko na nasangkot sa aksidente ay ang MV Ocean Abundance na pagmamay-ari ng Oceanic Container Lines Inc.
Base sa inisyal na imbestigasyon, sinabi ng PCG na nagkaroon ng problema sa makina ang naturang barko.
“The bow of the vessel and the pier was damaged. There is no trace of oil spill in the area,” saad nito.
Wala namang nasaktan sa insidente bagama’t nasapul ang isang truck ngunit hindi naman ito nahulog sa tubig.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY