May 17, 2024

PH flag naka-half mast para kay Lim

Bilang pagpupugay at pagdadalamhati ni Manila Mayor Isko Moreno kay dating Manila Mayor Alfredo Lim na pumanaw kahapon, naka-half mast ang bandila ng Pilipinas sa isinagawang flag ceremony sa Kartilaya ng Katipunan  (JHUNE MABANAG)

Ibinaba sa half-mast ang watawat ng Pilipinas sa Maynila.

Makikita sa larawan na inilagay na sa half-mast ang watawat sa Kartilya ng Katipunan sa tabi ng Manila City Hall.

Ito ay bilang pakikidalamhati at pagpupugay sa pagpanaw ni dating Manila Mayor Alfredo S. Lim.

Dalawang beses naging alkalde ng Maynila si Lim.

Una ay mula 1992 hanggang 1998 at ikalawa noong 2007 hanggang 2013.