September 19, 2024

Mikael Daez ready na magka-anak kay Megan Young

Kahit nais magsimulang bumuo ng pamilya, sinabi ni Mikael Daez hindi pa nila minamadali ni Megan Young ang magka-anak.

Sa kanyang instragram, ibinahagi ng Kapuso actor ang isa pang larawan ng kanyang misis na may kargang bagong silang na pamangkin.

“Baby lucia is just too cute. Boneezy looks good with that baby as well (heart eyes emoji) #ahemahem,” aniya.

But on a more serious note, we are in no rush. Whatever happens will happen,”  paglilinaw niya.

Una rito, na ‘wow mali’ ang fans nang magpakuha ng larawan ang dalawa kasama ang kanilang baby niece sapagkat inakala nila na sa mag-asawa ang sanggol na karga-karga ng lalaki.

Sa kanyang hashtags isinulat niya ang: “#TanongNyoSiBonezKungKelanNa #ImAlwaysReady.”

Kung maalala, ginulat nina Mikael at Meagan ang mundo noong Enero nang ianunsiyo ng dalawa  na sila ay kasal na ilang araw bago mangyari ang intimate ceremony. Matagal rin nilang itinago na sila ay engaged na magmula noong 2014.