April 20, 2025

2 opisyal ng DOH, sinipa ng Malacañang

Tinuldukan na ng Malacañang ang panunungkulan ng dalawang opisyal sa Department of Health (DOH).

Sa direktiba  ni Executive Secretary Lucas Bersamin kay Health Sec. Ted Herbosa, nakasaad na nag-expire na ang termino ni Ariel Valencia bilang Assistant Secretary ng DOH.

Nagtapos na rin ang extension ng serbisyo ni Jaime Bernadas bilang Director IV ng DOH.

Kaugnay nito, inatasan ng DOH na tiyakin ang maayos na turnover ng mga dokumento at impormasyong sa opisina nina Valencia at Bernadas.

Ang direktiba ay ipinadala sa DOH kahapon, April 15, at ito ay effective immediately. (BG)