April 19, 2025

KUYA JB PALLASIGUE, KINAMUSTA KALAGAYAN NG MGA RESIDENTE SA 1ST DISTRICT NG RIZAL

NAKADAUPANG PALAD ni Kuya JB Pallasigue, isang independent candidate para sa 1st District ng Rizal sa 2025 national elections, ang mga residente ng naturang bayan para kamustahin ang kanilang kalagayan at malaman ang bawat pangangailangan ng mga nasa laylayan.

“Bida ang bawat kwento, bawat tawa, at bawat “Kamusta!” ayon kay Kuya JB.

Kabilang din sa inilatag ni Kuya JB ang kanyang mga programa at mga panukalang batas na isusulong sa Kongreso.

Layunin ni Kuya JB na gamitin ang kanyang kaalaman sa National Security Affairs upang tugunan ang mga lokal at pambansang isyu sa seguridad.

Isa sa mga plano niya na makipag-ugnayan sa komunidad upang bumuo ng mga patakaran na magpapalakas ng kaligtasan ng publiko at magtataguyod ng napapanatiling kaunlaran.

“Ganito ang tunay na serbisyo—yung malapit sa puso ng tao, puno ng pagmamahalan, at walang halong takot o distansya. Sa bawat kwentuhan, lalong tumitibay ang samahan natin para sa mas makataong Distrito Uno!,” dagdag pa niya.

Ayon pa kay Kuya JB, mahalagang mabigyan ng sapat na suporta ang mga mahihirap na pamilya upang maiangat ang kanilang antas ng pamumuhay.