
HIMAS-REHAS na ngayon ang tatlong tinaguriang mga High Value Individuals (HVI’s) na tulak sa ikinasang anti-illegal-drugs buy bust operation ng pinagsanib na puwersa ng San Pablo Component City Police Station at Laguna Provincial Drug Enforcement Unit nitong Miyerkules ng gabi, Marso 12, 2025 sa Barangay. Sto. Angel, San Pablo City, Laguna.
Kinilala ang tatlong suspek sa mga alyas na sina “Morris”, “Julio” at “Francis”, mga nasa hustong gulang at pare- parehong residente sa nasabing lungsod.
Ayon sa ipinadalang report ng Laguna Provincial Police Office sa opisina ni PRO 4A Calabarzon Regional Director Police Brigadier General Paul Kenneth T. Lucas, nasamsam sa posisyon ng mga suspek ang isang small heat sealed transparent plastic sachet at dalawang medium plastic sachet na may bigat na 200 grams ng mga pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng Standard Drug Price na worth P1,360,000 at ang ginamit na P1,000 bill na buy-bust money.
Mahaharap ang mga suspek ngayon sa mga kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangrous Drugs Act of 2002. (KOI HIPOLITO)
More Stories
4 todas sa sunog sa Malabon
‘Pamilya Ko’ Partylist mainit na tinanggap sa bayan ng San Luis, Batangas
Imprenta ng balota sa midterm polls 92% na