
NAGSASAGAWA ng follow-up operation ang Manila Police District (MPD) para sa ikaaaresto ng suspek na bumaril nang malapitan sa ulo ng isang mekaniko sa Bldg. 3, Permanent Housing, Brgy. 128, Tondo, Maynila.
Kinilala ni MPD-homicide section chief PCapt. Dennis Turla ang biktima na si Jed Justine Arao, 36, nakatira sa nasabing lugar.
Lumalabas sa imbestigasyon, naganap ang insidente dakong alas-11:05 ng gabi. Dumating ang suspek sa lugar habang inaayos ng biktima ang kanyang motorsiklo.
Walang sabi-sabi, binunot ng hindi pa kilalang suspek ang kanyang baril at pinaputukan ang biktima sa ulo saka tumakas sa hindi pa mabatid na direksyon.
Isinugod sa ospital ang biktima pero idineklarang dead on arrival. (ARSENIO TAN)
More Stories
SENADO NAG-CONVENE BILANG IMPEACHMENT COURT
Pinuno ng Japanese Crime Syndicate, Nalambat ng BI sa Pampanga
Korte, Nagpasok ng ‘Not Guilty’ Plea para kay Teves sa Kasong Illegal Possession of Firearms