
DAHIL sa umano’y depresyon dulot ng madalas na pag-aaway nila ng kanyang kinakasamang ‘tibo’ hinggil sa usapin sa pera kaya’t nagawang wakasan ng isang 35-anyos na babae ang kanyang sariling buhay sa loob ng kanyang bahay sa Tondo, Maynila nitong Martes ng madaling araw.
Dakong alas-4:30 ng madaling araw nang matagpuan ng kanyang ina at kapatid ang wala ng buhay na biktima habang nakabigti sa loob ng kanilang bahay sa Arquerros Street, Tondo, Maynila.
Bago ang insidente, madalas daw umanong naririnig na nagbabasag ng bote ang biktima sa loob ng kanyang kwarto at paulit-ulit na sinasabi na, “gusto ko nang mamatay.”
Sa salaysay ng ina ng biktima sa pulisya, sinabi nito na madalas umanong mag-away sa video call ang kanyang anak at ang lesbian partner nito sa dahil sa pera.
Napag-alaman na isang Overseas Filipino Worker (OFW) ang nasabing ‘tibo’ na kababalik lang sa Pilipinas noong Pebrero 14, 2025.
Dinala ang mga labi ng biktima sa punenarya para sa autopsy. (ARSENIO TAN)
More Stories
4 todas sa sunog sa Malabon
3 High Value Individual nasakote sa P1.36-M ‘shabu’ sa San Pablo City, Laguna
‘Pamilya Ko’ Partylist mainit na tinanggap sa bayan ng San Luis, Batangas