
Sa isang makasaysayang pagpapakita ng pagkakaisa at hangaring paunlarin ang Unang Distrito ng Batangas, dumalo ang mga senador sa isang malawakang dalawang araw na pulong nitong Pebrero 28 at Marso 1, 2025. Sa pangunguna ni Leandro Legarda Leviste, na tumatakbo bilang kinatawan ng Unang Distrito ng Batangas, nagtipon ang mahigit 60,000 Batangueños upang ipakita ang kanilang suporta para sa pag-unlad ng Unang Distrito ng Batangas.
Kabilang sa mga dumalo sina Senador Imee Marcos, Lito Lapid, Francis Tolentino, Congresswoman Lani Mercado-Revilla na kumatawan kay Senador Bong Revilla, at sina dating Senador Tito Sotto, Ping Lacson, Gringo Honasan, at Manny Pacquiao. Sinamahan ni Senador Loren Legarda, ang ina ni Leandro Legarda Leviste, ang kanyang mga kapwa senador na nagkaisa para sa kanilang adhikain para sa pag-unlad ng Unang Distrito ng Batangas.
Ginanap ang mga programang ito sa mga bayan ng Nasugbu, Balayan, at Taal, kasama ang mga Batangueños mula sa mga bayan ng Lian, Calatagan, Tuy, Lemery at ang lungsod ng Calaca. Tinalakay ng mga senador ang mga pangunahing isyung kinakaharap ng bawat komunidad, mula sa trabaho hanggang sa imprastraktura at serbisyo publiko.
Sa harap ng libu-libong mga Batangueños, inilahad ng mga kandidatong pagkasenador ang kanilang mga batas at programa, pinatunayan ang kanilang dedikasyon sa reporma sa gobyerno, pagpaunlad ng ekonomiya, at pagpapabuti ng serbisyong panlipunan.
Ikinatuwa naman ni four-term Senator Loren Legarda ang pagpapahayag ng pagkakaisa ng mga senatorial candidates at mga lokal na opisyal sa layuning paunlarin ang Unang Distrito ng Batangas.
Sa pamamagitan ng mga naturang pagtitipon, ipinakita ng mga kandidato ang kanilang pagkakaisa at dedikasyon sa pagsusulong ng mga batas at programang makakatulong sa mamamayan. (ERICHH ABRENICA)
More Stories
COMELEC IBINASURA DQ CASE VS TULFO FAMILY
PAGKAMKAM NG CHINA SA PALAWAN, PINALAGAN NI GOITIA
MGA PILIPINONG IMBENTOR NAMAYAGPAG SA THAILAND INVENTORS’ FAIR 2025, NAG-UWI NG 13 MEDALYA