
Nanawagan si Senator Win Gatchalian ng mas matibay na kampanya upang tuluyang matuldukan ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa na pinagmumulan ng mga krimen.
Ito’y matapos ang pinakabagong ginawang pagsalakay sa POGO hub sa Pasay nitong kamakailan lang.
“Habang may natitira pang mga POGO sa bansa, malinaw na hindi pa natin tuluyang nawawasak ang kanilang operasyon,” ayon kay Gatchalian.
Samantala, pinuri ng senador ang Presidential Anti-Organized Crime Commission para sa kanilang patuloy na pagsisikap laban sa POGO.
Naniniwala si Gatchalian na upang ganap na magiba ang mga sindikatong ito, kailangan ng isang pagtutulungan ng buong pamahalaan.
Nanawagan din siya sa mga lokal na pamahalaan na aktibong imonitor at i-report ang natitirang POGO sa bansa.
Kailangan din aniya na ipa-deport kaagad ng Bureau of Immigration (BI) ang lahat ng mga worker at boss ng POGO.
Hinimok din niya ang Department of Justice para sa mabilis na pagsasampa ng kaso laban sa mga ito, habang kailangan palakasin ng PAGCOR ang enforcement upang matiyak na walang makakapag-operate ng illegal POGO sa ilalim ng kanilang pangangasiwa.
More Stories
KAMARA NAGLABAS NG VIDEO KUNG BAKIT NA-IMPEACH SI VP SARA
8 patay sa sunog sa Quezon City
14-ANYOS NA ESTUDYANTENG TSINOY DINUKOT, PINUTULAN NG DALIRI (Kidnappers pinatutugis ni PBBM)