
REHAS na bakal ang kinasadlakan ng 15 individuals, kabilang ang walong drug suspects matapos madakma ng pulisya sa magkakahiwalay na anti-gambling operations sa Valenzuela City.
Sa ulat Police Sub-Station 1 kay Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban, alas-8:30 ng gabi nang maaktuhan nila ang tatlong lalaki na nagsusugal ng cara y cruz sa Candle St., De Castro Sudb. Brgy. Paso De Blas at nakuha sa kanila ang tatlong piso coins ‘pangara’, bet money at isang plastic sachet ng shabu na nasamsam kay alyas ‘Gilbert’, 30.
Alas-10 ng gabi nang madakip ng mga tauhan ng SS4 ang dalawang lalaki habang nagsusugal din ng cara y cruz sa Area 4, Dumsite Pinalagad, Brgy. Malinta at nakumpiska sa kanilang ang tatlong piso coins ‘pangara’, bet money at isang sachet shabu na nakuha kay alyas ‘Kimpot’, 35.
Nadakip din sa cara y cruz sa Casa Rival, Northville 1, Brgy. Bignay ang dalawang lalaki ala-1:30 ng madaling araw at nasamsam sa kanila ng mga tauhan ng SS7 ang tatlong piso coins ‘pangara’, bet money at isang sachet ng shabu na nakuha kay alyas ‘Manuel’, 46.
Tiklo naman sa mga tauhan ng SS6 si alyas ‘Ronel’, 37, alas-4:30 ng madaling araw at nakuha sa kanyang ang isang sachet ng shabu, tatlong piso coins ‘pangara’ at bet money habang nakatakas ang kanyang mga kalaro sa sugal na cara y cruz sa Molave St. Brgy. Lingunan.
Sa Brgy. Gen T De Leon, naaktuhan ng mga tauhan ng SS2 ang tatlong lalaki na nagka-cara y cruz sa Rasario Street alas-6:30 ng gabi at nakuha sa kanila ang tatlong piso coins ‘pangara’, bet money at isang sachet ng shabu na nakumpiska kay alyas ‘Requel’, 23.
Nakuhanan din ng isang sachet ng shabu si alyas ‘Glenn’, 32, matapos madakip ng mga tauhan ng SS3 habang nagpapataya ng sugal na basketball ending sa F. Bautista, Brgy. Marulas ala-1 ng hapon
Natimbog naman ng mga tauhan ng SS1 si alyas ‘Kenneth’ habang nakatakas ang kalaro niya sa cara y cruz sa Paolo St., Paso De Blas at nasamsam sa kanya ang isang sachet ng shabu, tatlong piso coins ‘pangara’ at bet money.
Habang alas-10:30 ng gabi nang mahuli ng mga tauhan ng SS8 ang dalawang kelot na nagka-cara y cruz sa Kabuhayan St., Brgy. Mapulang Lupa at nakuha sa kanila ang bet money, tatlong piso coins ‘pangara’ at isang sachet ng shabu na nasamsam kay alyas ‘Michael’
More Stories
PILIPINAS TINANGGAL SA ‘GREY LIST’ NG FATF
Matapos ipagkalat na naospital ang CIDG Chief… SEARCH WARRANT ISINILBI VS PRO-DUTERTE VLOGGER
RUBIO: MAY ULONG GUGULONG SA BOC (Mga nasabat na smuggled na sigarilyo, nadiskubreng ibenebenta muli)