![](https://agilangbayan.com/wp-content/uploads/2025/02/IMG_1671-1024x533.jpg)
Naharang ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang Pinay na pasahero na nagtangkang mag-travel gamit ang pekeng mga dokumento.
Ayon kay BI spokesperson Dana Sandoval, napigilan ng Immigration Protection and Border Enforcement Section (I-PROBES) ang mga biktima sa magkahiwalay na pagkakataon sa sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City.
Unang naharang ang 30-anyos na biktima noong Pebrero 4 bago sumakay sa Cebu Pacific flight patungong Nagoya, Japan.
“She presented a Commission on Filipino Overseas (CFO) certificate, which was easily flagged as unregistered by the BI-CFO system,” ayon kay Sandoval.
Ang CFO certificate ay isang travel document na obligado para sa first-time Filipino immigrants.
Sa kabilang banda, naharang din ang 34-anyos na babae na pasakay sana sa AirAsia flight patungong Kuala Lumpur, Malaysia noong Pebrero 7.
“The victim’s overseas employment certificate (OEC) number, listed under a different name in the BI-DMW database, revealed tampering,” dagdag ni Viado.
Ang pagpigil sa mga biktima na makalabas ng bansa ay dahil sa matagumpay na system integration ng Department of Migrant Workers (DMW), at Commission on Filipino Overseas (CFO). ARSENIO TAN
More Stories
BENHUR ABALOS SUPORTADO ANG LABAN NI AGM BERNARDINO SA AUSTRALIA
Kampanya ng mga kandidato magsisimula na
HVI tulak, huli sa P353K shabu sa Valenzuela buy bust