
Hindi raw personal na pinagbantaan ni Vice President Sara Duterte sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at House Speaker Martin Romualdez.
“I did not make an assassination threat to the President. Sila lang nagsasabi niyan. Sila lang nagsasabi may assassination, sila nagsasabi may assassin, may gunman. I did not say that,” ayon kay Duterte.
Nakasentro ang unang artikulo ng impeachment laban kay Duterte dahil sa umano’y pag-assassinate sa Pangulo, First Lady at House Speaker.
Kasama sa nabanggit ng mga mambabatas ang sariling public statements ni Duterte, kabilang ang inilabas niyang video noong Nobyembre 2024 kung saan iniulat niya na may inutusan siya ng isang pinagkakatiwalaan indibidwal para pumatay sakaling mapatay siya.
“Kapag pinatay ako, patayin mo si BBM, si Liza Araneta, at si Martin Romualdez. No joke,” mapapanood sa video ni Duterte.
More Stories
3 High Value Individual nasakote sa P1.36-M ‘shabu’ sa San Pablo City, Laguna
‘Pamilya Ko’ Partylist mainit na tinanggap sa bayan ng San Luis, Batangas
Imprenta ng balota sa midterm polls 92% na