SWAK sa kulungan ang isang lalaki matapos mag-amok habang iwinawasiwas ang hawak na baril sa Navotas City.
Ayon kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes na nakatanggap ng ulat mula sa isang concerned citizen ang Navotas Police Sub-Station 1 hinggil sa isang lalaki na armado ng baril habang nag-aamok sa Sapang Bulaw St., Brgy. Tanza 1 na nagdulot ng takot sa mga residente sa lugar.
Agad namang inatasan SS1 Commander P/Capt. Archie Arceo ang kanyang mga tauhan na puntahan ang nasabing lugar para alamin ang naturang ulat.
Pagdating sa lugar, nakita ng mga pulis ang suspek na si alyas ‘Siga’, 43, na nagwawala at iwinawasiwas umano ang hawak nitong baril kaya agad siyang nilapitan mima PCpl Cruz at Pat Bustaliño saka inaresto dakong ala-1:30 ng madaling araw.
Nakumpiska sa suspek ang isang kalibre .38 revolver na kargado ng dalawang bala at wala din siyang naipakitang kaukulang mga papeles hinggil sa ligaledad ng naturang armas.
Sinampahan ng SS1 ang suspek ng kasong kasong paglabag sa Art. 155 of the RPC (Alarms and Scandal) at R.A. 10591 (Comprehensive law on Firearm and Ammunition) in relation to Omnibus Election Code.
Pinuri naman ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, ang mabilis na action ng mga tauhan ni Col. Cortes para sa proteksyon ng publiko.
More Stories
MAYOR BELMONTE, CITY TREASURER OFFICE BINIGYAN NG AWARD NG QC COUNCIL
Private Equity Fund investments boost Philippine pension fund Macquarie Asset Management pays out $272 Million or PHp 15.8B to GSIS
Gobyerno, politiko at botante ang magpapahirap sa Pilipino!