Magkasamang hinimok ng Bureau of Corrections (BuCor) at Philippine Economic Zone Authority (PEZA) ang National Economic Development Authority (NEDA) na isama ang island provinces ng Region 4-B o MIMAROPA bilang bahagi ng Luzon Economic Growth area kung saan matatagpuan ang Iwahig at Sablayan Prison and Penal Farms.
Inilabas ng dalawang ahensiya ang pahayag kasunod ng kanilang paglagda sa memorandum of agreement para sa pagtatatag ng economic zone sa Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF) sa Puerto Princesa, Palawan sa ginanap na simpleng seremonya noong Biyernes sa PEZA office sa Pasay City.
Ang Luzon Economic Growth Area, tinatawag na “Luzon Economic Corridor” ay binubuo ng central at northern parts ng Luzon kasama ang mga pangunahing urban and industrial zones gaya ng Metro Manila, Batangas, and Central Luzon, na pangunahing economic hub.
Ang pahayag ni BuCor Director General Gregorio Catapang Jr. ay kasunod ng rekomendasyon ni PEZA Director General Tereso Panga, na gawing Singapore ang Palawan at isama na ito sa Luzon Economic Corridor.
Sinabi ni Catapang na layon ng komprehensibong development plan sa Palawan ay isulong ang clean, green at technology-driven environment, at iugma ang kanilang vision sa lalawigan.
Ang inisyatibang ito ay naglalayong na gawing frontier sa Agri-Agro Industrial Development ang Palawan, na magdudugtong sa Brunei Darussalam-Indonesia-Malaysia-Philippine East ASEAN Growth Area (BIMP-EAGA), na dinesenyo upang mapabilis ang socioeconomic development sa mga hindi gaanong kaunlad na mga rehiyon.
Ang paglago ng economic development ng ASEAN sa Brunei Darussalam, Indonesia, Malaysia, at Pilipinas patungo sa East ASEAN Growth Area ay nilalayon upang mapalakas ang kalakalan, turismo, at mga oportunidad sa pamumuhunan sa Palawan at Mindanao.
Ipinahayag ni Catapang, na kabilang sa development plans sa Palawan ang pagtatatag ng isang Aerotropolis, na kanyang inilawaran bilang isang siyudad na nakasentro sa isang bagong paliparan at inaasahang mas malaki kaysa sa NAIA, na magpapadali sa international flights sa Palawan (na may lawak na 1,200 ektarya) para sa anumang airline na interesadong makapag-access sa rehiyon nang direkta. Bilang karagdagan, magkakaroon ng isang Agropolis, na nag-uugnay sa agricultural at food systems sa urban center upang matiyak ang food security sa bansa.
Magde-develop din ng isang Aqua Marine Special Economic Zone upang suportahan ang international shipping at pagpapalakas ng seguridad sa pagkain. Sa huli, kasama rin sa plano ang paglikha ng isang Ecopolis, isang integrated, resilient at sustainable urban space na nakatutok sa commercial, business at financial services.
More Stories
MAYOR BELMONTE, CITY TREASURER OFFICE BINIGYAN NG AWARD NG QC COUNCIL
Private Equity Fund investments boost Philippine pension fund Macquarie Asset Management pays out $272 Million or PHp 15.8B to GSIS
Gobyerno, politiko at botante ang magpapahirap sa Pilipino!