SHOOT sa selda ang isang drug suspect na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos kumagat sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.
Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban ang suspek na si alyas ‘Biboy’, 27 ng Brgy. Gen T De Leon na nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 sa ilalim ng Article II ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangeroud Drug Act of 2002.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, sinabi ni Col. Cayaban na nakumpiska sa suspek ang nasa 50 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P340,000, buy bust money na isang tunay na P500 bill at 8-pirasong P1,000 boodle money, P200 bills at cellphone.
Nauna rito, ikinasa ng mga tauhan ni P/Capt. Joan Dorado, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy bust operation sa koordinasyon sa PDEA makaraang magpositibo ang natanggap nilang impormasyon hinggil sa umano’y pagbebentan ng suspek ng droga.
Nang tanggapin umano ng suspek ang marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer, kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinakma ng mga operatiba dakong alas-2:05 ng madaling araw sa Plastic City Avenue, Brgy. Veinte Reales.
Pinuri naman ni Col. Ligan ang Valenzuela City Police sa kanilang dedikasyon at hindi natitinag na pangako sa kampanya laban sa droga.
Aniya, ang NPD ay nananatiling matatag sa kanyang misyon na pangalagaan ang mga komunidad at alisin ang mga aktibidad ng ilegal na droga, na tinitiyak ang kapayapaan at kaayusan para sa mga mamamayan ng Metro Manila.
More Stories
MAYOR BELMONTE, CITY TREASURER OFFICE BINIGYAN NG AWARD NG QC COUNCIL
Private Equity Fund investments boost Philippine pension fund Macquarie Asset Management pays out $272 Million or PHp 15.8B to GSIS
Gobyerno, politiko at botante ang magpapahirap sa Pilipino!