November 21, 2024

Sacramento Kings, turit sa Dallas Mavericks

ORLANDO (AFP) – Kumayod ng monster triple-double si Luka Doncic upang akayin ang Dallas Mavericks sa panalo kontra Sacramento Kings, 114-110 sa overtime.

Nagtala ang 21-anyos na Slovenian ng 34 puntos, 20 boards at 12 assists. Nag-ambaga naman ng tig-22 sina Tim Hardaway Jr. at Kristaps Porzingis.

Ang statistics ni Doncic na 30 points at 20 boards triple-double ang nagluklok sa kanya bilang youngest player sa NBA history na nakagawa nito.

Impresibong nahabol ng Mavs ang 11 kalamangan ng Kings at naikasa ang laro sa overtime.

 “It wasn’t our best game – far from that,” aniDoncic.

We fought, we hung in there, we helped each other, we never gave up. We needed that win and you can never count us out for sure.”

Nothing came easy in this game at all,”  ani Mavericks coach Rick Carlisle.

“It was a struggle, and everybody kept everybody together, and we just kept saying, ‘Hey, we’re going to find a way,’ and guys were encouraging each other.”

Ang pagkapanalo ng Mavs (41-29) ay gumarantiya sa team ng playoff place sa Western Conference.

Samantala, narito ang iba pang resulta ng laro sa NBA restart ngayong araw

Phoenix 117, LA Clippers 115

Brooklyn 119, Milwaukee 116

Indiana 120, Orlando 104

Miami 112, Boston 106