December 21, 2024

PULIS PATAY SA SAKSAK NG CONSTRUCTION WORKER DAHIL SA SELOS

PATAY ang isang 40-anyos na pulis matapos saksakin ng construction worker habang nag-iinuman sa Barangay Pakiad, Oton, Iloilo na dahil umano sa selos. Ang biktima, isang Police Staff Sergeant na nakatalaga sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Iloilo City, ay nakilala na hindi residente ng lugar, gayundin ang suspek, ang 40-taong-gulang na construction worker na si Dan.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng Oton Municipal Police, nagana pang krimen noong Lunes ng gabi sa isang pagtitupon sa isang tindahan na pagmamay-ari ng isang babae na si alyas Dona. Nag-iinom ang suspek kasama ang kanyang mga kaibigan nang dumating ang pulis at nakipag-inuman na rin sa grupo.

Ilang sandali lamang, ay sinaksak ng suspek ang pulis sa tagiliran dahil sa selos.

Ayon sa pulisya magkaribal umano ang suspek at biktima sa may-ari ng tindahan.

Inihahanda na ang kaso laban sa construction worker habang patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad.