September 21, 2024

Philippines- China war… URCC FIGHT NIGHT BAKBAKAN NA!

Nagkainitan at nagtulakan sina FightNight heavyweight contender Mark Palomar ng Pilipinas kontra Darui Tang ng China sa kanilang faceoff habang namamagitan si URCC top brass Alvin Aguilar. (Kuha ni PAUL JOSESPH ABUDA)

SISIKLAB na ang digmaan sa pagitan ng Pilipino at Tsino.

Mabigat ang misyon ng pambato ng  Pilipinas na si Mark Palomar na ‘in full -battle gear

na sasagupa kontra Darui Tang ng China pagsapit ng Universal Reality Combat Championship( URCC) Fight Night sa Setyembre 28 sa Octopus Bar ng  Kalye Burgos, Makati City

Sa press presentation na idinaos kamakalawa sa Octopus,  ang venue ng naturang giyerang MMA ng Pilipinas at China, tiniyak ni Palomar sa kalabang si Tang na isa sa kanila ang babagsak at sandalian lang ang magiging bakbakan

“Isa sa amin ang babagsak at malamang ay siya (Tang). Pinaghandaan ko ang labang ito upang patunayan na numero uno ang Pilipinas sa larangan ng combat sports sa Asia,”kumpiyansang wika ni Pinoy Palomar.

Tinapatan naman ni Tang  ang naturang banta  at kampanteng ipinahayag  na siya ang magwawagi, kontra Pinoy na katunggali at masasaksihang bagsak ang kanyang kalaban sa harap ng kababayan.

“It will be a very short fight, my opponent will be knocked out at fight night” sambit ni Tang.

Ang naturang main event ay tatampukan ng undercards nina Jacis Macasinag vs Ezekiel Isidro sa 135 lbs at magpapakitang gilas ang mga prized fighters na sina Gabriel Baguio vs MJ Montealto sa 155,  JR Alejandro sa 125 naman sina Marvin Malunes; Ariel Oliveros vs Kenneth Maningat sa 125 ;Dave Valencia at Ferdinand Aquino sa 115  lbs. at Jared Alzeta vs Rocky Vergara s 125.

“Iniimbitahan natin ang lahat ng fight enthisiasts na saksihan ang mga laban for personal glory and beyond… Bakbakan na!” pahayag ni URCC MMA founding president Alvin Aguilar. (DANNY SIMON)