September 24, 2024

JERICHO ROSALES, UMAMING NAKIKIPAG-DATE KAY JANINE GUTIERREZ

Matapos mamataan kamakailan lang, opisyal nang inamin ni Kapamilya Actor Jericho Rosales na nasa “dating at getting-to-know stage” sila ni aktres na si Janine Gutierrez.

Sa media conference ng “Labender Fields,” ibinunyag ni Echo sa unang pagkakataon ang tunay na status nila Janine.

“We’re getting to know each other. We’re dating,” pagbabahagi niya. “I’m in a really, really good moment in my life. My friends know. My family knows. Everything. And it’s time for me to just really go with the flow.”

It’s been really light and good. It’s an amazing feeling. I wish everyone can experience this cooperation that I’m receiving from God, from the universe, everything, with work, with personal, with my dreams,” dagdag ng aktor.

Sinagot din ng “Pangako Sa’Yo” actor ang kanilang pagbisita sa museo kung saan siya ang nagyaya kay Gutierrez.

“I was the one actually who asked Janine. I said, ‘Janine, would you want to go [to] a museum with me? I haven’t been to the National Museum,’” masayang kwento ng aktor.

Noong nakaraang buwan, nang mamataan ang dalawa na namamasyal sa National Museum sa Maynila, kaya naging usapan-usapan ng mga netizens na may namamagitan na sa dalawa.