Matapos ang limang dekadang pagsasama bilang banda, opisyal nang magreretiro ang legendary rock band na Aerosmith.
Sa social media account ng banda ay ipinarating nila ang nasabing malungkot na balita.
Isa sa dahilan nito ay ang pagkakaroon ng vocal injury ng kanilang lead vocalist na si Steven Tyler.
Dahil dito ay nagpasya na silang kanselahan ang mga concert tours.
Pinayuhan nila ang mga nakabili ng tickets na maari nilang irefund.
Una rito ay noong nakaraang taon ay napilitan na rin silang kanselahin ang concerts dahil sa problema sa boses ni Tyler.
Ilan sa mga pinasikat na kanta ng grupo ay ang “Amazing”, “Living on The Edge”, “Crazy” at maraming iba pa.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA